Wednesday, February 29, 2012
iamlitzie:

December 16, 2010 ♥
Yes, December 16, 2010. Thursday. 16:16PM. Yan ang araw at oras nung sinagot ko na siya. ♥
Sabi ko sa kanya dati, ligawan mo ko sa December 16 ha :) Hindi naman siya nagtanong kung bakit.
Kahapon kasi Christmas Party sa school namin. Pagkatapos nun, nagcommute kami ni Kevin kasama si Carol dumarecho na kami sa Rob tapos nagpicture picture. Tapos umuwi na si Carol edi pumunta na kami ni Kevin sa bahay nila. Ayun, edi andun yung parents niya. Bumili yung dad niya ng spagetti saka tinapay. Mag 4:00pm na nun. Nag alarm ako sa cellphone ko ng 4:15pm para malaman ko yung oras. Binigay ko kay Kevin yung cellphone ko para malaman niya na nag-alarm. Nakakahiya kasi nung nag-alarm siya, tumunog siya ng super lakas. Narinig din ng parents niya kasi kasabay lang namin kumain. Akala ng mom niya, may tumatawag sa akin. Edi ayun, nahihiya ako sa parents niya kaya lumabas kami sa bahay nila tapos kinausap ko siya. “Sio, sa araw na to matatawag mo na din akong girlfriend.” Bigla siyang ngumiti tapos binuhat niya ko tapos ikot siya ng ikot. Pagbaba niya sakin nahilo ako. Haha! Natutuwa ako kasi wala talaga siyang alam na sasagutin ko na siya. Pagtapos nun natawa ako, e may tinapay ako sa bibig tapos nalunok ko bigla. Edi ubo ako ng ubo tapos natulo na luha ko. Takbo siya dun sa table tapos kumuha ng tubig. Haha! Ayan. Sabi niya, sorry wala akong surprise ha. Edi mejo nagtampo ako kasi mejo nag-expect ako. Nilambing niya na lang ako pero tampo pa rin ako. Haha!  
Pagka 7pm, pumunta na ko dun sa birthday party ng classmate ko. Pajama party siya kaya nagsuot na ko ng pajama. Niloloko ni Kevin yung mom niya na dun na daw ako matutulog. Haha! Edi nagmotor kami. Ilang beses na kami nadaan sa bahay nung classmate ko pero andar pa din siya ng andar. Sabi ko sa kanya ibaba niya na ako. Sabi niya may pupuntahan lang siya. Sabi ko, sasama na ako. E ayaw niya kaya mejo nagtampo ako. Pagpasok ko ng gate, binati ko ng Happy birthday yung classmate ko tapos kumuha na ko ng food. After ilang minutes, tinawag ako nung ate nung birthday celebrant. May naghahanap daw sakin. Paglabas ko ng gate, si Kevin pala yon tapos may dalang flowers. Grabe, ang lakas ng sigaw ko tapos hindi ko talaga mapaliwanag yung nararamdaman ko sa sobrang saya. Nahihiya ako kasi pinapasok pa siya nung ate ng classmate ko tapos pinakain pa.
Pinabilang niya kung ilang flowers yung nasa bouquet, pagbilang ko 16 roses. Sinuotan niya pa ako ng singsing tapos bingay niya sa akin yung isa tapos ako nagsuot sa kanya. Grabe, sobrang kilig! :”> After ilang minutes, umuwi na siya. Sabi ko text text na lang. Nakipagkwentuhan na lang ako dun sa iba kong classmates and friends. Nakikita ko din yung ibang magboboyfriend, ang sweet nila. Sina Sapphire at Michael, Cess at Jerome, Angel at Kevin, Tin at Karl. Tapos ako pinauwi ko na yung boyfriend ko. Haha! Namiss ko agad siya. Edi nagpaalam ako kay Mich na pupuntahan ko muna yung bahay ni Kevin, e malapit lang naman yung house nila. Pagpunta ko dun, nakipagkwentuhan lang ako sa kanya tapos binati ko yung mom saka dad niya. Bumalik na din ako agad sa bahay nina Mich tapos siguro mga 10pm sinundo na ko.
Sobrang saya talaga kahapon. Dati hindi siya marunong magsurprise. Unti unti ng nag-iimprove. Alam mo yung feeling na nag-eexpect ka tapos wala pala. Edi malulungkot ka. Nung tanggap mo na wala talaga, saka dun sinurprise. Ay basta! Ganun.
Sayang wala kaming picture nung binigay niya sa akin yung flowers. hehe ♥ :)

That’s what you call surprise! :D
Sobrang memorable. Sarap sa feeling. Sarap ulit ulitin ♥ 

iamlitzie:

December 16, 2010 

Friday, February 24, 2012

“I’ve already met the one I’m going to spend the rest of my life with.”

Sobrang bait talaga ni God. Ang saya talaga alalahanin yung mga nangyari sa amin nuon. Lagi kong naaalala at lagi kong gusto ikwento na nuon crush ko pa lang siya, ngayon akin na siya. Naalala ko, sobrang pinag-pray ko na sana kahit manlang friends o basta makausap ko lang siya masaya na ako. Alam ko naman kasi na kilala niya ako sa mukha, baka hindi sa pangalan. Kaya pinag-pray ko talaga lagi na kahit friends lang. Pero sa sobrang bait ni God, hindi ko lang siya naging friend, naging boyfriend ko pa.

Sa ngayon, more than 2 years na kaming close at mag 3 years ko na siyang crush. Isang taon din siyang nanligaw. At sa isang taon na yon, napatunayan kong mahal na mahal niya talaga ako at hindi siya nagbago. Kahit hanggang ngayon, more than 1 year na kami, ganon pa rin siya. Sweet pa rin siya, lagi niya pa rin ako pinapakilig, inaalagaan, at minamahal pa rin ako ng ako lang. Siguro sa iba ang saglit pa lang ng 3 years para makilala mo kung sino na talaga ang makakasama mo hanggang sa pagtanda mo. Siguro sa iba naman ay ang tagal na nung 3 years para malaman mo kung sino ang makakasama mo hanggang sa pagtanda mo. Isa ako doon. Naniniwala talaga ako na siya na nga talaga kahit mag 3 years pa lang kaming magkakilala. Dahil sa 3 years na iyon, marami kaming nalaman sa isa’t isa, marami kaming natutunan, at marami din kaming pinaglaban.

Hindi talaga natin masasabi ang susunod na pwedeng mangyari. Malamang sa malamang, dadating ang mga problema. Tulad na lang nang hindi kami legal sa pamilya ko pero alam naman nila na matagal na kami. Bawal lang muna mag date pero sinasaway ko yun :) Akala namin yun na ang pinakamabigat na problema na dumating sa amin. Meron pa palang mas higit doon. Eto kasing akala naming mabigat na problema ay kaya talaga naming ipaglaban dahil ibang tao naman ang problema e, hindi pagitan sa amin. Kaming dalawa ni Kevin ang magkakampi dito. Pero may mas mabigat pa pala. Ang problema pagitan sa amin. Aminado ako na ako ang nagkamali. Ako na nga ang gumawa ng mali, ako pa din ang nakipag break. Alam ko sobrang nasaktan si Kevin pero naging manhid ako dahil nabulag ako sa pagkakamali na iyon. Pero hindi ko nakayaan. Naisip ko na, hindi ko pala talaga siya kayang iwan, hindi kumpleto kapag wala siya. In the end, ako si tanga na sarili ko lang din ang sinasaktan ko. Nakipagbalikan ako sa kanya, sakto 1st Anniversary pa namin yun! Kaya napakaspecial at memorable din talaga ang aming 1st Anniversary.

Totoo talaga. Sobrang hirap ng iwan kapag matagal na kayo. Syempre sanay na kayong siya ang kasama mo, siya ang lagi mong kausap, siya ang kakampi mo, siya ang makkwentuhan mo ng mga problema at ng mga chismis :))) Siya ang dadamay sayo. Iiwanan mo pa ba yan e parang best friend/ kapatid / tatay / tropa / boyfriend mo na yan.

Hinding hindi talaga ako magsasawang mag thank you kay God. Sobrang ganda ng plano niya para sa akin at para kay Kevin. Hindi Niya hinayaan na tuluyan ng masira at masayang lahat ng pinagsamahan namin ni Kevin. Hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong mga problema. Dadating at dadating din yan. Pero andiyan si God, gumagawa ng solusyon para maayos ang problema.

Dahil din dito sa pagkakamali ko, may isa na naman akong napatunayan. Hindi nawala ang pagmamahal sa akin ni Kevin. Dumating yung time na nangungulit siya, pinagsasabihan niya ako, pero tumigil na din siya dahil wala siyang magawa. Tumigil nga siya sa pangungulit sa akin na tigilan ko na yung pagkakamali kong ginagawa, pero hindi siya tumigil na magmahal sa akin. Sa ginawa ko din na iyon, sino ba naman ang masisira ang tiwala? Oo, nasira ang tiwala niya sa akin. Sobrang hirap talaga ibalik ang nasirang tiwala. Minsan naiiyak na lang ako kapag nagsasabi naman ako ng totoo pero hinihinalaan niya ako. Sobrang sakit. Well, yan ang karma ko. Pero hindi naman din iyon nagtagal. Madali na lang din nabuo ang tiwala sa akin ni Kevin.

Patagal ng patagal, nababawasan na rin ang aming away. Nag mamature na kami. Simula nung nagkabalikan kami, wala na akong naalala na nag away na ulit kami. Sobrang dami naming natutunan sa pagkakamali na iyon. Ngayon, palagi na kaming okay at palagi kaming masaya. Kung mga ganitong kabibigat na problema na ang dumating sa amin, kakayanin talaga namin dahil nakayanan namin. Hindi kami susuko at hindi namin talaga hahayaang masira at masayang ang lahat ng pinagdaanan namin.

Alam na alam ko na siya na nga talaga. 14 years old pa lang ako may gusto na ako sa kanya. Ngayong 17 na ako, mahal na mahal na mahal ko pa rin siya. Marami na siyang napatunayan at alam kong hindi niya ako iiwan. Forever na kami, promise yan :)

Naniniwala kami sa FOREVER. Magiging totoo naman yan kapag naniwala ka at may ginawa ka. Kapag lumaban ka at kapag may tiwala ka. Kapag seryoso ka at mahal mo talaga siya.

Tuesday, February 21, 2012

Sayang lang.

Sana araw araw ako nakakapag post sa tumblr dati pa. Lagi na lang kasi akong tinatamad mag post o kaya walang time kaya hindi nakakapag tumblr. Ayan tuloy, nagsisisi ako. Sana pala gumagawa ako ng post dito sa tuwing nagkikita kami ni Kevin. Sana nagpopost ako araw araw. Kaso hindi.

Gusto ko kasi na hanggang sa pag tanda ko. Magbubukas na lang ako ng tumblr at babasahin ko ang mga ginawa namin dati nung bata pa kami. Kaso nag skip skip na. Nakalimutan ko na yung mga ginawa namin sa day na yon. Sayang.

Naalala ko tuloy sabi ni Kevin. “Hindi na tuloy masusubaybayan ng mga anak natin yung love story natin, yung mga ginagawa natin, nung nililigawan pa lang kita”… Haha!

Kelan kaya ako magsisipag mag post araw araw no Kevin? :)))

“Ang Panyo”

June 16, 2011. Our 6th monthsary. Pumunta kami sa MOA dun sa seaside. Nagtampo ako nun, basta tinopak. Haha. Basta ang tagal din nun. Palakad lakad kami. Umupo kami dun sa dulo nung kaharap yung dagat. Niyayakap niya ko tapos yung pink niyang panyo lagi kong tinatakip sa mukha ko. Sabi ko sa kanya, umuwi ka na, tapos binibihay ko sa kanya yung panyo. Bigla niyang tinapon sa dagat pero nahulog lang dun sa mga malalaking bato. Bigla akong umiyak ng malakas tapos ang dami pang tao dun. Haha! Sabi ko sa kanya, bakit mo tinapon yung panyo, habang naiyak ako. Tapos nakonsensya daw siya kasi di naman daw niya alam na iiyak ako pag tinapon niya yun. Kahit panyo lang yun e importante kasi sa akin kaya ayoko mawala. Sinusubukan niya bumaba dun sa bato para kunin kaso pinipigilan ko kasi baka mahulog siya or basta yun. Medyo malapit na din kasi talaga dun sa tubig kaya natatakot ako. Maya maya umuwi na siya tapos ako hinihintay ko mommy ko. Nakaupo lang ako dun tapos bigla akong nagdalawang isip kung papakuha ko yung panyo. So pinakuha ko dun sa nagbebenta ng tubig. Di niya pa nahanap agad kasi madilim. Nung nakita niya, kumuha siya ng stick kasi di niya makuha yung panyo. Di pa rin niya makuha yung panyo kaya pumasok siya sa ilalim ng bato. Gulat nga ako e nakakatakot talaga kunin. Ayun nakuha na ni kuya. Sobra talagang natuwa ako.

Kahapon, pinakita ko sa skype yung panyo. Grabe gulat na gulat talaga si Kevin. Una pa nga akala niya kaparehas lang. Nakakatuwa talaga yung reaction niya kasi gulat talaga. Ayun masaya lang. Memorable talaga yang panyo na yan sa amin.

Super late post! :>

Wednesday, February 15, 2012

Maagang Valentine’s Date.

February 13, 2012

Plano namin mag date na monday pa lang para kinabukasan maaga ako makakauwi. Baka isipin kasi ng pinsan (dormmate) ko na may ka-date ako sa Valentine’s. Hindi pa kasi ligal pero alam naman ni ate na kami. So Feb 13 pa lang, nag date na kami. Dun lang kami sa Harrison Plaza para malapit sa school ko. Kumain kami sa Greenwhich, dun lang talaga kami madalas kumakain bukod sa Tokyo Tokyo :)

Habang kumakain, sinabi ni Kevin na mag cr lang siya. Edi ako tuloy naman sa pag kain. Medyo matagal siya pero hinayaan ko lang kasi alam ko na malayo pa ang cr doon sa Greenwhich. Pagbalik niya, nagulat ako may box siyang pinakita sa akin! Yun pala bumili siya sa Brownies. Grabe. Ok lang naman sakin na wala siyang gift para sa Valentine’s basta makasama ko lang siya. Hindi ko ineexpect to kaya sobrang nasurprise ako :”>

After nun, hinatid niya na ulit ako sa school kasi may class pa ako. Umuwi na siya, sumakay siya sa LRT. Pag punta ko sa room, walang tao. Yun pala freecut kami. Tinawagan ko agad si Kevin na wag muna umuwi. Buti hindi pa siya nakakasakay sa bus. Kaya sabi ko magkita na lang kami sa MOA. Nag stay kami sa Red Mango kasi umuulan kaya hindi kami makaka-stay sa By the Bay.

Nagkwentuhan lang kami dun at kulitan. Ang ingay ingay namin dun kasi kinikiliti niya ako. Haha! Tapos naglaro kami nung Ketchup na laro. Kakasimula pa lang namin maglaro sabi niya, “ayoko na maglaro kasi nasasaktan ka”. Sabi ko hindi naman kaya naglaro pa din kami. Nung mga 7pm na, sabi ko wag niya na ako ihatid sa Taft kaya hinatid niya na lang ako sa sakayan ng jeep.

Akala ko nung tanghali lang kami makakapag-date. Buti na lang freecut. Thankful talaga kami kay God kasi gumawa pa din siya ng plan para makapagsama pa kami ng mas matagal nung Monday :)